You are currently viewing Ano’ng Gagawin Mo Kung Pagising Mo Nasa Ibang Time Period Ka Na? — Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo

Ano’ng Gagawin Mo Kung Pagising Mo Nasa Ibang Time Period Ka Na? — Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo

Nawawalan na ng pagasa sa buhay si Go Ha Jin (IU). Bukod sa niloko na nga siya ng ex-boyfriend niya, nalubog pa siya sa utang dahil dito. Kaya naman tila pagod na sa buhay si Ha Jin. Pero paano kung mabigyan siya ng pagkakataon na mabuhay bilang ibang tao… paano kung ang bagong buhay niya ay sa Goryeo pala?

Magigising si Go Ha Jin sa Goryeo bilang si Lady Hae Soo (IU), at magiiba ng tuluyan ang kanyang buhay — mula sa kanyang social status hanggang sa pagkakinis ng kanyang kutis, mamumuhay marangya na ang ating bida… o iyon ang akala niya.

Sa kanyang pagdating sa Goryeo makikilala niya ang pitong prinsipeng mangugulo sa kanyang kapalaran. Kasama dito ang ika-4 na prinsipeng si Wang So (Lee Joon Gi), na makakabangga niya, at ang ika-8 na prinsipeng si Wang Wook (Kang Ha Neul), na tutulong naman sa kanya. Magiging masaya na nga ba ang buhay si Ha Jin bilang si Hae Soo, o lalo ba siyang magkakaproblema?

Alamin sa Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo, now streaming with English subtitles and Tagalog-dubbed versions on Viu.

Watch Episode 1 on Viu!